Natatanging Progresibo ng 2017

0
342
2009 | 2010 | 2011 | 2012 | 2013 | 2014 | 2015 | 2016
Maaalala sa hinaharap ang 2017 bilang panahon ng tuluyang pagpaling ni Rodrigo Duterte sa pasistang pamumuno. Sa simula pa ng termino ni Duterte, nagbabala hinggil dito ang progresibong mga grupo: may posibilidad na maging progresibo ito, pero malakas ang hatak ng pasismo. Dahil nagbukas ito (sa porma ng mga diyalogo sa kilusang masa, sa appointments nito sa gabinete, at lalo na sa usapang pangkapayapaan), sinusugan ng mga progresibo ang posibilidad na ito. Pero sa kadulu-duluhan, mas malakas ang hatak ng tukso ng kapangyarihan, ng pagyuko sa imperyalismo, ng pasismo. Kalagitnaan pa lang ng taon, tila naladlad na sa publiko ang pasistang katangian ng rehimeng nag-aambisyong maging diktadura.
Sa kabila nito, naging saksi rin ang taong ito sa progresibong mga pagtindig laban sa tiraniya at pasismo. Nagpalakas ang kilusang masa, nagpalapad ang mga organisasyong masa, nagpalaki ang mga organisador ng mga pagkilos. Nahimok ang dumaraming bilang ng mga mamamayan na tumindig at lumaban. Naging inspirasyon at aral ang nakaraang batas militar ni Marcos para pag-ibayuhin ang paglaban sa maagang yugto ng batas militar ni Duterte. Sa kabila ng konsolidasyon ng kapangyarihan ng nakaupong pangulo, marami ang nanindigan para sa kanilang mga karapatan at para sa interes ng sambayanan.
Taun-taong naglalabas ng listahan ng Natatanging Progresibo ang Pinoy Weekly. Dito, itinatala namin sa kung sino o ano sa aming palagay ang nagkaroon ng natatanging ambag sa progresibong adhikan ngayong taon. Marami sa mga nasa listahan, dati nang kinilala noong nakaraang mga taon. Pero mayroong bago. Mayroon ding dati naming kinilala na ngayong taoā€™y maaaring masama na sa listahan ng Natatanging Reaksiyonaryo o Natatanging Pasista.
Narito ang pagkilala namin ngayong taon.

Natatanging Progresibong Pagkilos

Occupy Pabahay. Madaling araw ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, mahigit 10,000 maralitang homeless o walang bahayā€”karamihan sa kanilaā€™y kababaihanā€”sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang organisadong umokupa sa mga pampublikong pabahay sa Pandi, Bulacan. Walang nakatira o tiwangwang ang mga pabahay na ito na orihinal na pinagawa para sa mga pulis at militar (pero nauna na nilang tinanggihan). Pinagtangkaan ng pasistang panunupil ang okupasyon. Nang hindi ito tumalab, sinira-siraan sa midya ang kampanyang tinaguriang #OccupyPabahay. Sa kabila nito, nanaig ang mga maralita; natulak si Pangulong Duterte na ideklarang ipapamahagi na lang ang mga pabahay sa mga maralita (hanggang ngayon, naghihintay pa rin sila na tupdin ni Duterte ang deklarasyon niya). Samantala, naipamalas sa kampanyang ito na (1) epektibo ang sama-samang pagkilos ng mga maralita; (2) may matinding krisis sa pabahay sa bansa, habang (3) nasasayang ang pondo ng gobyerno sa nakatiwangwang na mga proyektong pabahay na pinagkakakitaan ng pribadong mga debeloper.

Honorable Mentions: Tigil-pasada ng mga jeepney operator at tsuper noong Oktubre; Lakbayan ng Pambansang Minorya sa pangunguna ng Sandugo; Lakbay Magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas; protesta kontra sa Asean Summit at pagbisita ni US Pres. Donald Trump; kampanyang bungkalan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at iba pang lupain. Mga dambuhalang kilos-protesta noong State of the Nation Address o SONA ni Duterte at anibersaryo ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos noong Setyembre 21.


Natatanging Progresibong Organisasyong Masa

Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay. Epektibong napamunuan ng Kadamay ang #OccupyPabahay. Taliwas sa sinasabi ng maraming komentarista sa dominanteng midya tulad ng matapobreng si Mike Enriquez, hindi simpleng kaguluhan o anarkiya ang okupasyon ng Kadamay, kundi organisadong paggiit ng kanilang mga karapatan sa pabahay at serbisyong panlipunan. Samantala, hindi nagpatinag sa mga paninira ang Kadamay. Aktibong lumahok ang lumalaking kasapian nito sa mga kampanyang pambayan, mula sa kampanya kontra-pasismo sa mga lupain ng mga Lumad sa Mindanao at iba pang lugar, hanggang sa pagkondena ng imperyalismong US noong bumisita sa bansa si Trump. Ipinamalas ng Kadamay na kung mulat at organisado, kayang makatanaw ang mga maralita ng higit sa kanilang interes. Kaya nilang yakapin at pangunahan (bilang bahagi ng uring manggagawa) ang laban ng sambayanan.

Honorable Mentions: Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o Piston, sa pamumuno nito sa kampanya kontra sa pekeng ā€œmodernisasyonā€ sa sistema ng transport at pag-phaseout sa mga jeepney; Ugatlahi Artist Collective, sa paglikha ng napakahusay na mga effigy at likhang-sining noong Setyembre 21, noong Asean Summit at pagbisita ni Trump noong Oktubre, Nobyembre 30 at Disyembre 10 na epektibong naglarawan sa kritika ng kilusang masa sa rehimeng Duterte at nakakuha ng interes ng pandaigdigang midya.


Natatanging Progresibong Lider-Masa

George San Mateo. Naging mukha si San Mateo, hindi lang ng mga tsuper at operator ng jeepney na nahaharap sa kawalan ng kabuhayan dahil sa matapobreng jeepney phaseout ng rehimeng Duterte, kundi ng buong kilusang masa. Matalino at matalas ang mga paliwanag niya hindi lang sa mga dahilan kung bakit dapat tutulan ang jeepney phaseout. Matalino at matalas ding naiugnay niya ang isyung ito sa iba pang isyu ng mga maralitaā€”at bakit dapat lumahok ang mga mamamayan sa pagtutok sa naturang plano ni Duterte. Sukatan ng pagiging epektibo niya ang pagsampa ng walang-kuwentang kaso laban sa kanya ng LTFRB; Si San Mateo ang unang lider-masa na sinampolan ng dineklarang crackdown ng rehimen kontra sa mga progresibo. Pero sa kabila nito, hindi inatrasan ni San Mateo ang mga laban.

Honorable Mentions: Bea Arellano, tagapangulo ng Kadamay; Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela; Einstein Recedes ng Anakbayan.


Natatanging Progresibong Alyansa o Koalisyon

Movement Against Tyranny o MAT. Eksakto ang timing ng pagkakatatag ng network na ito. Nabuo ang MAT sa panahong unti-unting nalaladlad na sa madla ang pasistang katangian ng rehimeng Duterte at ng pangulo mismo. Tinipon ng MAT ang mga personalidadā€”mga aktibista, artista, pulitiko, relihiyoso, at iba paā€”na nais makikiisa sa paglaban sa tiraniya. Malakas na pahayag ng pagtutol sa tiraniya ng rehimen ang inorganisa nitong pagkilos sa Luneta noong ika-45 anibersaryo ng batas militar ni Marcos.

Honorable Mentions: Sandugo; Save Our Schools (SOS) Network; Kilos Na! Manggagawa, No To Jeepney Phaseout Coalition, Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo o Saka; Voices of Women for Justice and Peace o VOW; at Letā€™s Organize for Democracy and Integrity o Lodi.


Natatanging Progresibong Desisyon, Polisiya o Rekomendasyon (sa loob) ng Gobyerno

Pinagkasunduang burador para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o Caser. So near, yet so far. Abot-kamay na sana, nawala pa. Si Pangulong Duterte mismo, marahil sa isang iglap ng kaliwanagan ng kanyang pag-iisip, ang nagtulak na tahimik na ituloy ang mga pulong para sa pagbubuo ng Caser. Matagal nang nabuo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang burador nito, na naglalaman ng batayang mga sangkap para sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya na tatamasain ng karamihang Pilipino: pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo (kasama ang libreng pamamahagi ng lupaing agrikultural sa mga magsasaka). Pero tatlong araw bago ang sikreto pero pormal na pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, biglang inanunsiyo ni Duterte na aatras na siya sa usapan, idedeklara na niyang mga ā€œteroristaā€ ang mga komunista, ang mga gerilya ng New Peopleā€™s Army, at kahit ang mga nasa legal na kilusang masa. Hindi lang ito epektibong pagtalikod sa peace talks at sa NDFP na matapat na nakikipagnegosasyon sa rehimen, epektibong pagtalikod din ito sa pangako ng tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino na kinakatawan sana ng paglalagda ng Caser.

Honorable Mentions: House Resolution 15 / Senate Resolution 7 na nagrerekomenda ng paggawad ng nakatiwangwang na mga pabahay ng militar at pulis sa ā€œiba pang benepisyaryoā€; Universal Access to Quality Tertiary Education, batas na nagdedeklarang dapat na walang kinokolektang matrikula sa state colleges and universities.


Natatanging Progresibong Opisyal ng Gobyerno

Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tiningnan ni Duterte si Sereno bilang isa sa pangunahing banta sa kanyang tiraniya. Marka ng isang diktador ang pagkamuhi sa isang patas (co-equal) na sangay ng gobyerno na independiyenteng kumikilos sa Ehekutibo. Pinamalas ni Sereno ngayong taon na hindi siya basta susunod sa dikta ni Duterte, na mayĀ checks and balances pa rin, kahit papaano, sa gobyernong ito. Pinakita ni Sereno ang independensiya noong nakaraang taon pa, nang paalalahanin niya si Duterte sa pangangailangang idaan sa tamang prosesong legal ang pag-aresto sa mga suspek sa giyera kontra ilegal na droga. Magmula noon, naging target na ng rehimen ang Punong Mahistrado. Pinatindi lang ngayong taon ni Duterte ang banat sa kanya, hanggang umabot sa reklamong impeachment na itinutulak ng mga alyado ng Presidente sa Kamara. Idagdag pa rito ang hayagang pagsabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat na umanong magbitiw si Sereno dahil sa reklamong impeachment. Paniwala ng Punong Mahistradoā€“at napakalinaw namang ganito nga ang kasoā€“na si Duterte mismo ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa kanya mula sa Korte Suprema.

Honorable Mentions: Kinilala namin noong nakaraang taon, pero kalahati pa rin ng 2017 ay nasa gabinete sila: Sina Gina Lopez, dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources; Judy Taguiwalo, dating kalihim ng Department of Social Welare and Development; at Rafael Mariano, dating kalihim ng Department of Agrarian Reform. Kasama rin sa dapat kilalanin ang progresibong ambag ni Sec. Liza Maza, lead convenor ng National Anti-Poverty Commission.


Natatanging Progresibong Mambabatas

Sen. Grace Poe. Naging kasangga ng mga progresibo si Sen. Poe sa ilang mahahalagang isyung pambayan, mula sa paglaban para sa kapakanan ng mga manggagawa (ā€œNakamamatay ang sobrang trabaho,ā€ sabi niya) hanggang sa pagdepensa sa interes ng mga tsuper, operator ng jeepney at mga komyuter nito. Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Public Services, aktibong hiniling ni Poe ang odyens ng Piston para pakinggan ang paglalahad nito sa kalagayan ng sektor ng transport na pinagbabantaan ng programang ā€œmodernisasyonā€ o pag-phaseout sa mga jeepney. Nang arestuhin si George San Mateo ng Piston, kinuwestiyon ni Poe ang aksiyong ito ng pulisya. Sinabi noon ni Poe na nakakapaghinala angĀ timing ng pag-aresto kay San Mateo, sa araw na mismong magpoprotesta ang Piston at mga drayber ng jeep at operators kontra sa pag-phaseoutĀ ng rehimeng Duterte ng kanilang hanapbuhay.

Honorable Mentions:Ā Taun-taong kinikilala, ngunit hindi na isinasama sa pinagpipilian dahil sa konsistensi ng kanilang mga tindig, ang mga kinatawan ng progresibong mga party-list na Bayan Muna, Gabriela Womenā€™s Party, Anakpawis, Kabataan, at ACT Teachers na sina Reps. Carlos Zarate, Emmi de Jesus, Arlene Brosas, Ariel Casilao, Sarah Elago, France Castro at Antonio Tinio. Sila ang mga bahagi ng iisang blokeng tagapamandila ng progresibong mga adhikain sa loob ng Kamara, ang Makabayan Bloc.


Natatanging Progresibong Midya

Alab ā€“ Alternatibong Balita (online newscast). Muli, isangĀ breakthrough ang nakamit ng Altermidya ā€“ Peopleā€™s Alternative Media NetworkĀ ngayong taon: ang paglulunsad ng isang regular na programang newscastĀ na tumatalakay sa mahahalagang isyung pambayan at internasyunalā€“mula sa progresibo o maka-mamamayang perspektiba at interes. Propesyunal ang produksiyon at magaang angĀ presentasyon.Ā Ang bawatĀ episode,Ā pinangungunahanĀ ng dalawangĀ news anchors na sina Neen Sapalo at Jane Biton na maikukumpara sa sinumang mahusay na brodkaster sa dominantengĀ news networks. Pero ang tunay na halaga ng Alab ay sa unang pagkakataon, nakapagprodyus ang alternatibong midya sa Pilipinas ng regular na programang nasa porma ng pamilyar naĀ newscast ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon, opinyon at analisis na di nabibigyan-diinĀ ng dominanteng midya. Sa panahon ngĀ fake news,Ā infotainmentĀ sa dominanteng midya, hindi matatawaran ang ambag nito.

Honorable Mentions: Samantala, may iba pangĀ breakthrough programs ang Altermidya: Alab Analysis ni Inday Espina-Varona; Yan ang Totoo, kasama sina Prop. Luis Teodoro at Edge Uyanguren; at ang politikal na comedy show na Serious Na, kasama si Benjie Oliveros, at, nitong huling episode, si Janess Ellao.Ā 


Natatanging Progresibong Pagtatanghal

Pagsambang Bayan ā€“ The Musical at Buwan at Baril sa Eb Major. Tinuturing na makasaysayan o groundbreaking na dulang pampulitika ang Pagsambang Bayan noong panahon ng batas militar ni Pang. Ferdinand Marcos. Sinulat ni Bonifacio Ilagan at unang dinirehe ni Behn Cervantes, itinuturing ang dulang ito bilang isa sa pinakaunang produksiyong panteatro na tahasang lumaban sa diktadurang Marcos. Hinubog sa porma ng simbang Katolikoā€“ibig sabihin, sa porma rin ng buhay, pakikibaka at kamatayan ni Hesus bilang pampulitika at radikal na lider at biktima ng pampulitikang panunupil at pamamaslang. Ngayong taon, sa pangunguna ng Tag-ani Performing Arts Society at sa direksiyon ni Joel Lamangan, pinrodyus ang Pagsambang Bayan bilang isangĀ musical.Ā Nilikha ninaĀ Joed Balsamo at Lucien Letaba ang musika, habang sinulat ni Ilagan angĀ libretto.Ā Masasabing dapat lang na nagingĀ musical ito; hindi baā€™t puno ng musika rin naman talaga ang pagdiriwang ng misa ng mga Katoliko? At, kasinghalaga nito, hindi baā€™t puno rin ng musika ang epiko ng pakikibakang Pilipino?

Samantala, napapanahon din ang makapangyarihangĀ restaging ng isa pang obrang panteatro na produkto ng pakikibakang kontra-Marcos: angĀ Buwan at Baril sa Eb Major.Ā Sinulat ni Chris Millado at unang itinanghal ng Philippine Educational Theater Association (PETA) Kalinangan Ensemble noong Marso 1985, nasa porma naman ng konsiyerto (sa Eb Major) ng musikang klasikal ang pagkakahati ng limang eksena. Pero wala sa musika (bagamat mahusay ang musika saĀ restaging na ito ngayong taon na dinirehe ni Andoy Ranay) ang kapangyarihan ng pagsasadulang ito. Sa apat na kuwento ng Buwan at Baril, ipinakita ang punto-de-bista ng ordinaryong mga mamamayan na lumahok, sa ibaā€™t ibang antas at dahilan, sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Bukod sa makapangyarihang naratibo, napakahusay din ng mga pagtatanghal. Espesyal na tumatak ang pagtatanghal nina Angeli Bayani bilang bakwit na katutubong Itawis atĀ Mayen EstaƱero (kahalili si Cherry Pie Picache) bilang asawa ng nasawing rebolusyonaryo.

Honorable Mentions: Game of TrollsĀ ng PETA; Tao Po; Oktubre: Gulong ng Daigdig, musical ng Sining Banwa; at Aurelio Sedisyoso ng Tanghalang Pilipino. Saludo rin saĀ cultural nightĀ ng Lakbayan ng Pambansang Minorya noong Setyembre 18 sa UP Theater na pinamagatangĀ Hugpungan at pagtatanghal ng 100-miyembrong choirĀ para sa selebrasyong sentenyal sa Pilipinas ng rebolusyong Oktubre.Ā 


Natatanging Progresibong Pelikula o Bidyo

Tu Pug Imatuy at Respeto.Ā Nilikha angĀ Tu Pug Imatuy sa gitna ng mga operasyong militar na kontra-insurhensiya sa Mindanao. At ang mga lumikha (at nagsipagganap) nito ay mismong mga kalahok sa kampanya kontra sa mga atakeng militar na ito. Dinirehe ni Arbi Barbarona, hango ang pelikula sa tunay na karanasan ng mga Lumad sa Timog Mindanao. Kuwento itoĀ ng aktuwal na dinaranas ngayon ng mga katutubong komunidad na sinasalakay ng mga militar sa ngalan ng pagtugis sa rebolusyonaryong New Peopleā€™s Army (pero sa totooā€™y tangkang panunupil lang sa anumang klase ng pagtutol sa napanakop ng dayuhan at komersiyal na interes sa lupaing ninuno).Ā Ang kapangyarihan ng pelikula ay nagmumula sa direkta at walang kurap na pagpapamalas nito na reyalidad ngayon sa giyera ng rehimeng Duterte ngayon kontra sa rebolusyonaryong kilusan. Sekundaryo, pero mahalaga rin, ang pagpapakita nito na nananatili (lumalakas pa nga) ang rebolusyon dahil nananatili pa rin ang mga pang-aapi at pagsasamantala sa mga mamamayan, lalo na mga katutubo.

Samantala, mahalaga rin ang pagpapalabas ngĀ Respeto na dinirehe ni Treb Monteras II. Gamit angĀ rap battleĀ at pamilyar na naratibo ngĀ coming-of-age at pagpasa ng baton mula sa isang henerasyon ng manunula tungo sa bago, epektibong ipinamalas ng pelikula ang kontekstong kinasasangkutan ngayon ng madugong giyera kontra droga ng rehimeng Duterte. Buo ang pagkakakuwento, pero direkta at walang kurap din ang kritika: na mga maralita ang nabibiktima ng madugong giyerang ito. At, higit pa rito, sintomas lang ang giyera kontra droga ng mas malaki, mas malala, at mas matagal nang giyera ng mga makapangyarihan kontra sa mga mahihirap, lalo na sa mga lumalabanā€“kontra sa tiraniya man ni Marcos o ni Duterte.

Honorable Mentions:Ā History of the UndergroundĀ (Sari Dalena at Keith Sicat): lahatang panig na eksplorasyon sa kasaysayan ng underground na pagkilos ng Kaliwa kontra sa batas militar ni Marcos. Pagkilala rin sa dalawang dokumentaryong pelikula na nilikha mula sa hanay ng alternatibong midya: AngĀ Truth Tellers ni Ilang-Ilang Quijano (tungkol sa kababaihang mamamahayag na sina Inday Espina-Varona at Kimberlie Quitasol); at Han-ayan ni JL Burgos (tungkol sa mahigit isang taon na paglaban ng mga Lumad sa Lianga, Surigao del Sur kontra sa militarisasyon); gayundin ang short film ng Mayday Multimedia hinggil sa kontraktuwalisasyon na pinamagatang Kontrata.


Natatanging Progresibong Artista

Mae Paner. Sa puntong ito, tila permanenteng presensiya na ng parlamento ng lansangan si Mae Paner. Kasama siya sa mga nagtanghal at nagmartsa-protesta noong panahon ni Gloria Arroyo. Kasama rin siya sa mga protesta kontra kay Noynoy Aquino. At ngayon, kasama pa rin siya. Pero bukod sa mga pagtatanghal (at pagganap sa personang ā€œJuana Changeā€œ), aktibo na rin si Paner sa mga pormasyon o alyansang naglalayong magtipon ng maraming personahe para labanan ang tiraniyaā€“sa Movement Against Tyranny o MAT, sa Letā€™s Organize for Democracy and Integrity o LODI, at lumahok sa Voices of Women for Justice and Peace o VOW.

Honorable Mentions:Ā  Tumatak sa madla ang mapanghamig at matalas na talumpati ni Pen Medina noong Setyembre 21 sa Luneta; mistulangĀ hall-of-famer na sa pagiging progresibong artista ang pintor at musikerong si Federico ā€œboyDā€ Dominguez.


Natatanging Progresibong Libro

Wars of Extinction at Leninā€™s Imperialism in the 21st Century. Mahalagang ambag sa pormal na pag-aaral sa kalagayan at pakikibaka ng mga Lumad sa Mindanao ang librongĀ Wars of Extinction. Sinulat ni Arnold Alamon at inilimbag ng Rural Missionaries of the Philippines ā€“ Northern Mindanao Region (RMP-NMR), malinaw na tumitindig ang libro pabor sa pakikibaka ng Lumad at umaapela para sa pagsuporta sa pakikibakang ito. Pero sa kabila nito, hindi nagkukulang ito sa matalas at masinsing pag-aaral sa aktuwal na karanasan ng Lumad, gayundin sa mga historikal at sosyolohikal na ugat ng pang-aapi (at paglunsad ng wars of extinction)Ā sa mga katutubo.

Samantala, napapanahon ang paglathala ng Ibon Books ng updatingĀ sa ika-21 siglo ng pagsusuri ni V.I. Lenin sa penomenon ng modernong imperyalismo. Sa ambag na kritikal na mga sanaysay ng ibaā€™t ibang manunulat, aktibista, akademiko at rebolusyonaryo, nailugar ngĀ Leninā€™s Imperialism in the 21st Century sa kasalukuyang kontra-imperyalistang pakikibaka sa daigdig.

Honorable Mentions:Ā Cherish, libro ng mga larawan ng New Peopleā€™s Army ni Boy Bagwis;Ā Bungkalan: Ang Karanasan ng mga Manggagawang-Bukid sa Hacienda Luisita sa Organikong Pagsasaka at Pakikibaka Para sa Tunay na Reporma sa Lupa ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA at UP Sentro ng Wikang Filipino; The Nation in Our Hearts: Essays on Mindanao Ā ni Arnold Alamon;Ā Mining Ills: Poor Health and Inequities in the Philippines ng Ibon Books; New Media at Mga Sanaysay sa Platitude ng Bagong Objek ng Media at Mediasyon sa Filipinas ni Rolando B. Tolentino;Ā 3 Baybayin StudiesĀ nina Ramon Guillermo, Myfel Paluga, atbp.; ProBernal AntiBio nina Jorge Arago, Ishmael Bernal at Angela Stuart-Santiago;Ā Interrogations in Philippine Cultural HistoryĀ ni Resil Mojares; Una Furtiva Lagrima ni Edel Garcellano; at marami pang iba.


Natatanging Progresibong Sining-Biswal


Fascist Spinner (Ugatlahi Artist Collective). Tumatak sa pandaigdigang midya at hinangaan pa nga ng mga mamamayang Amerikano (salamat sa pagbibida rito ng sikat na Amerikanong talk show host na si Jimmy Kimmel) ang effigy na ito na likha ng Ugatlahi para sa dambuhalang protesta kontra sa pagbisita ni US Pres. Donald Trump kaalinsabay ng Asean Summit noong Oktubre. Pumabor dito, siyempre, ang napakasahol na reputasyon ni Trump bilang konserbatibo, matapobre, kontra-migrante, utak-pulbura at pasistang presidente ng US. Pumabor din sa pagsikat nito ang paggamit ng imaheng pamilyar at nauuso sa mga bataā€“ang fidget spinner na laruanā€“na kinorteng swastika na simbolo ng pasistang paghahari ni Adolf Hitler at ng Nazi Party sa Germany noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Pumabor din sa pagtampok nito ang mahusay na pagkakagawa ng effigy, at saktong pagkasunog nito habang nakikipagmabutihan si Pangulong Duterte sa kinamumuhiang presidente ng nangungunang imperyalistang bansa sa daigdig.

Honorable Mentions: Rodyā€™s Cube ng Ugatlahi; eksibit na Dissident Vicinities (Lisa Ito, curator) sa Bulwagan ng Dangal Heritage Museum sa UP Diliman; eksibit naĀ Green Go Home (Tomas Vu at Rirkrit Tiravanija, collaborators) sa UP Vargas Museum;Ā mural ng Lakbayan ng Pambansang Minorya sa Sitio Sandugo.


Natatanging Progresibong Agaw-Eksena

Protestang-iglap ng Save our Schools (SOS) Network kontra kay Education Sec. Leonor Briones noong Nobyembre 28, at protestang-iglap ng Sandugo at Kalikasan kontra sa Mining Philippines 2017 Conference ng Chamber of Mines of the Philippines sa Sofitel noong Setyembre 6. Nalusutan ng mga katutubong miyembro ng Sandugo, kasama ang mga maka-kalikasan ngĀ Kalikasan Peopleā€™s Network for the Environment, ang mga guwardiya at barikada sa Sofitel para iprotesta ang kumperensiya ng malalaking kompanya ng minaā€“ang itinuturong pinakamalaking mandarambong ng lupaing ninuno ng mga katutubo sa ibaā€™t ibang bahagi ng bansa. Samantala, matagal nang nakakampo ang mga batang Lumad sa pangunguna ng SOS Network sa harap ng tanggapan ng Department of Education. Pero hindi sila hinaharap ni Briones. Nang malaman nilang magsasalita si Briones sa isangĀ event ng Rappler.com, nagdesisyon na silang komprontahin dito ang kalihim.Ā Ā 

Honorable Mention:Ā Lightning rallyĀ ng kabataang aktibista ng Anakbayan, League of Filipino Students, at iba pa, sa harap ng Philippine International Convention Center noong Nobyembre 11 para iprotesta ang Asean Summit at pagbisita ni Trump.

Dishonorable Mention: Biglaang pagsalita ni Pangulong Duterte sa entablado ng protesta ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at buong kilusang masa kontra sa kanyang State of the Nation Address o SONA.


Ā