Aparición | Armando Portajada Sr.

0
189
(Artwork by Dee Ayroso/Bulatlat)

PARA KAY MANDING

Ni LIGAYA PORTAJADA

Sa aking pagpikit, pagdilat ng mata
Ang aking hanap, ikaw aking sinta
Di na maidlip itong aking diwa
Hinanap na kita, nang ikaw ay mawala.

Hinanap kita sa mga himpilan ng pulis
Pati sa mga punerarya, itinaloglog kong pilit
Ngunit pawang ako’y bigo: itong aking nais
na muling makita, sintang iniibig.

Itong mga anak, ligalig, tuliro
Lumuluha, lumuluha
Aking mga anak, ang tanong ay ito:
“Inay, may luha ka, nasa’n ang tatay ko?”

Kayakap mga anak, walang maisagot
Katawan kong pagod ay halos malugmok
Isipan ko’y gulo, luha’y umaagos
Paa ko’y pagod na, tsinelas ay pudpod!

Malawak na dagat, aking tinatanaw
Pati na ang alon, aking binibilinan
Ibalik ang gula-gulanit na bangkay
At sa aking kandungan, kita’y ihihimlay.

Sa punong malalabay, aking ibinubulong
Sabihin sa akin saan ka naroon
Kita’y tatagpuin sa landas na iyon.

Mahabang panahon na aking paghahanap
Ako’y nakatagpo ng isang samahan
Dumamay, tumulong upang makamtan
Katarungan, hustisya para sa minamahal.

Kapit-kamay kami, pawang sumisigaw:
“Ilitaw! Ilitaw ang mga nawawala!
Katarungan! Hustisya sa lahat ng biktima!”

Ligaya Portajada recited this poem on Aug. 30, at the commemoration of the International Day of the Disappeared led by the Families of Desaparecidos for Justice, held at the church grounds of the National Shrine of our Mother of Perpetual Help in Paranaque City.

Her husband, Armando Portajada Sr., was the president of the workers’ union in the Coca Cola plant in Makati when he was abducted and disappeared on July 31, 1987.

See more at the Aparición Gallery
Read also:
Lighting the way home for desaparecidos
“Walang bakas” makes a mark
Kin of desaparecidos to Pope Francis: ‘Help us search for our loved ones’

(https://www.bulatlat.com)

The post Aparición | Armando Portajada Sr. appeared first on Bulatlat.