Isang Kuwentong Kapamilya

0
228
ABS-CBN employees light candles, press for renewal of the network’s franchise, Feb. 21. (Photo by Carlo Manalansan/Bulatlat)

Ni MARK ANGELES

Sampung taon na ang nakaraan
Nagkokolsenter pa ako’t wala pa akong tiyan,
Isang gabing gaya nito, di maramot ang kalangitan
Diyan sa tabi, may nagtayo ng piketlayn.
Nakisilong kami sa tarapal na bubungan,
Mga makata’t welgista kaming muling nag-aral
Kung ano ang papel ng tula sa kasaysayan.

At ngayon, makalipas ang isang dekada,
Nagtitipon tayo’t muling nagkita-kita
Sa ilalim ng toreng tanaw nang lampas-EDSA.
Saan man galing, ngayon, lahat tayo’y Kapamilya.
Ang ipinaghihimagsik nati’y di lang prangkisa,
Kundi ang sagradong ngalan ng demokrasya.

Gusto kong gayahin si Juan Miguel Severo
(kahit sabi niya, hindi sa kanya ito):
Isa, dalawa, tatlo… may Senador na kalbo.
Ilan sa atin ang nasira ang tiyan at sumakit ang ulo
Nang mapanood siyang iniinterbyu
Sa GGV, sinira ang ating Linggo?
At para bang hindi pa sapat ang insulto
Umepal pati sina Duterte at Bong Go.

Ito namang si Calida, gusto ring bumida sa telebisyon;
Nagsayang ng tinta’t papel sa quo warranto petition.
Double time sa pagpo-post ang mga DDS troll.
Ayaw raw sa oligarkiya, ano ang tawag mo kay Razon?
Kina Floreindo, Te, Samuel at Dennis Uy?
At parang noong panahon ng katukayo kong si Makoy,
Mga ninuno nitong network, target ng sequestration.

Sunod-sunod man ang hambalos ng rehimen sa taumbayan,
Hindi mabubuwag ang pagkakaisa sa ating hanay.
Hindi tayo mapatatahimik ng kahit anong busal!
No to ABS-CBN shutdown!
Yes to franchise! Fight for press freedom!

[Binigkas sa Love and Light for Press Freedom (Friday Protest) sa ABS-CBN Sgt. Esguerra Gate noong Pebrero 21, 2020.]

(https://www.bulatlat.com)

The post Isang Kuwentong Kapamilya appeared first on Bulatlat.