Sa lahat ng Guro na maagang gumigising araw-araw kahit medyo puyat pa sa paglalamay sa paggawa ng lesson plan, salamat po.
Sa lahat ng Guro na sa araw-araw ay nakikipagpatintero at habulan sa dyip at bus at nagiging isang mandirigma pagpasok sa mga bagon ng MRT at LRT para lang maka-abot sa tamang oras ng klase at salubungin ang kanyang mga estyudyante nang nakangiti pa din — “Good morning class!”, salamat po.
Sa lahat ng Guro na halos mamalat na ang boses sa pagtuturo sa loob ng lima hanggang anim na oras kada araw, bukod pa sa mga faculty meetings, PTA, extra-curricular activities na kailangang attend-han, salamat po.
Sa lahat ng Guro na sa pagkasapit ng a-kinse o katapusan ng buwan ay pilit pinagkakasya ang kakarampot na sahod para sa kanyang pamilya….salamat po.
At lahat ng ito ay dahil sa kanyang hangaring makapagturo ng isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon, edukasyong humuhubog ng mga mamamayang handang magbigay ng sarili para sa kalayaan, katarungan, at kaginhawaan ng kanyang kapwa at lipunan… maraming salamat po at padayon kita!
Photo from Philnews.com