32.6 C
Manila
Saturday, May 18, 2024
Home Blog Page 522

Impending release of convicted rapist sparks outrage

0
Eileen Sarmenta and Allan Gomez

“If Sanchez is freed this year he would have served merely 25 years of the 360 years sentence meted to him.”

By JANESS ANN J. ELLAO
Bulatlat.com

MANILA — A women’s group has called on the public to heighten its opposition against the impending release of convicted rapist and murderer Antonio Sanchez.

“Let us act quickly to prevent the release of Sanchez. The likes of Sanchez is a danger to women and to our society,” said women’s group Gabriela in a statement.

Then Calauan mayor, Sanchez and six other co-accused were found guilty of the 1993 killing University of the Philippines Los Banos students Eileen Sarmenta and Allan Gomez.

Sarmenta was offered like a “gift” to Sanchez and gang raped before she was shot dead. Gomez, on the other hand, was tortured before he was killed.

The killing was described as a “a plot seemingly hatched in hell.” Sanchez and his bodyguards were meted a sentence of seven terms of reclusion perpetua with up to 40 years’ imprisonment for each term.

In news reports, families of the two UP students said in separate interviews that they were surprised over Sanchez’s impending release. This, they said, opened up old wounds that never seemed to have healed in the first place.

Gabriela said the families were reportedly not informed that Sanchez is among the inmates set to be released and only learned of it along with the rest of the world when Justice secretary Menardo Guevarra announced it.

Sanchez will be released on the basis of a Philippine law that reduces prison sentences for those with so-called “good behavior.”

This, however, is not the case.

“Surely, being caught in 2010 for smuggling in prison a kilo of shabu worth P1.5 million and hiding it in a statue of the Virgin Mary is not good behavior. Surely, bribing prison officials in order to sneak in an air conditioning unit and a flat-screen TV in his cell is not good prison behavior,” said Gabriela in a statement.

Ironic stand on Sanchez’s release

Former police chief now Senator Ronald dela Rosa was under fire over his statement, saying that Sanchez “deserves a second chance” as the former mayor was “no longer a bully.”

Dela Rosa served as implementor of President Duterte’s war against drugs, which has reportedly left nearly 30,000 killed.

The former police chief is also pushing for the death penalty, of which the heinous crime that Sanchez was found guilty of committing may be meted out with such.

Netizens, on the other hand, were quick to point out the possible hand of the president’s chief legal counsel Salvador Panelo in Sanchez’s impending release.

Panelo, who has already denied this, served as his lawyer during the trial. He said that he has withdrawn from the case “years ago.”

Former Social Welfare and Development secretary and long-time women’s rights advocate Judy Taguiwalo referred to Sanchez’s impending release as a travesty of justice.

“If Sanchez is freed this year he would have served merely 25 years of the 360 years sentence meted to him,” she said, adding that the people cannot “allow this injustice to happen.”

“We marched and marched in 1993 to demand justice for Eileen Sarmenta and Allan Gomez, young iskolar ng bayan, who died in the hands of a mayor and his policemen,” she said.

In the midst of attacks

The reported release of Sanchez came at the helm of a series of attacks against human rights defenders in the country.

Yesterday, Aug. 20, protest actions were held nationwide to decry the unabated killings in Negros and the proposed campus militarization.

Gabriela said that in the midst of all these attacks, “convicted rapist-murderers like Sanchez are allowed to walk free.”

The women’s group added, “This is a distortion of justice promoted and perpetuated by the macho-fascist Duterte and other hoodlums in government.” (http://bulatlat.com)

The post Impending release of convicted rapist sparks outrage appeared first on Bulatlat.

Giyera na bulag

“Dito sa gera na bulag, ano ba ang pangalan ko?/…wag mag-alala/pantaypantay lang pala/ dahil tulad mo berdugo mo hindi natin kilala.”

KOLATERAL. Ito ang pamagat ng pinakabagong rap/hiphop album, likha ng iba’t-ibang artista, na naglalantad ng kontra-mamamayan na katangian ng madugong giyera kontra-droga na ipinapatupad ng administrasyong Duterte. Halaw ang pamagat sa palasak na terminong “collateral damage” o mga ’di maiiwasang kaswalti/pagkasirang naidudulot sa mga sibilyan sa kondukta ng mga operasyon ng kapulisan o militar.

Inilabas ang naturang album nitong Hunyo 29, 2019, isang araw bago ang midterm ng panunungkulan ni Pangulong Duterte. Resulta ang album ng 2 taong mga pagsisikap nina BLKD at Calix katuwang ang kanilang mga kasama sa SANDATA, isang grupo na may adbokasiyang ituwid at labanan ang mga disimpormasyon at propagandang kaakibat ng giyera kontra droga ni Duterte. Masusi ang kanilang naging pananaliksik at pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga balita, pakikisalamuha sa mga kaanak ng mga mismong biktima at integrasyon sa mga maralitang komunidad na kalimita’y pangunahing sinasalanta ng mga operasyong kontra droga.

12 tracks ang taglay ng album. Bawat isa ay kolaborasyon ng iba’t-ibang rapper, mga mang-aawit at mga sound producer na mataimtim na nakaayon sa tema ng buong album.

Pambungad ang “Makinarya” na pinagtambalan ni BLKD at Calix. Itinatatakda nito ang tono ng buong album na nagsasalarawan sa extra judicial killings at giyera kontra droga bilang polisiya ng estado at kung paano nagsasabwatan ang 3 saray ng gobyerno para ipatupad ito.

Pinalalim naman ang usapin ng mapang-abuso sa karapatang tao na mga operasyon ng kapulisan, ang modus ng mga berdugo sa pamamaslang at ang pasismo ng estado sa “Boy”, “Giyera na Bulag”, “Pagsusuma”, “Neo-Manila”, at “Parasitikong Abusado” na umaayon sa punto-de-bista ng mga maralitang lungsod na kumahakaharap sa mga ito.

Tinatalakay din ng album ang kahirapan, bilang isa sa mga pundamental na ugat ng suliranin sa droga, at iba pang kakabit nitong panlipunang isyu tulad ng forced migration (“Distansya”), kawalan ng hustisya para sa maralita (“Hawak”), at ang kawalan ng disenteng trabaho at tiyak na paninirahan (“Papag”).

Paglaban naman ang tema ng “Walang Maiiwan” at “Stand By” na may paghimok sa maralitang lungsod para baguhin ang mapang-aping sistema na umiiral.

“Sandata” ang finale ng buong album. Dito ipinakita nina Calix, BLKD, Lanzeta, Kiyo, Muro Ami, Promote Violence at Pure Mind Quiet Heart ang makatwirang galit sa administrasyong Duterte.

Sa kabuuan, isang magaling na obra ang KOLATERAL. Naipamalas ng bawat artista ang kanilang matatalas na tugma laban sa giyera kontra droga at mga kaakibat nitong usapin. Nararapat din banggitin ang mahusay na paglalatag ni Calix at Serena DC ng tunog sa buong album—sakto sa bagsakan ng mga berso, transition at pagbabago ng tiyempo at modyulasyon ng mga beat.

Maihahalintulad ang album sa militanteng tradisyon ng rap/hiphop na ipinakita ni 2Pac, Kendrick Lamar, Immortal Technique, at ng Beastie Boys, King Blues, Rage Against The Machine, Public Enemy, NWA at marami pang iba.

Kailangan bigyan ng kredito si BLKD at Calix sa kanilang pagsisikap upang ipalaganap ang progresibong pananaw at ang pakikipag-alyado, kung hindi man pagmumulat, sa mga kapwa nilang nasa eksena ng rap at hiphop at mga tagasunod nito. Sa harap ng nangingibabaw na kultura ng indibidwalismo, gangsterismo, machismo at seksismo sa eksenang rap at hiphop, ang KOLATERAL ay isang pamabasag. Mahahanay ang album sa mga pagsisikap ni Francis M., Gloc-9 at iba pa upang ilapat sa rap/hiphop ang mga sosyo-politikal na mga usapin at ang pagiging makabayan. Isang kahihiyan kung hindi kikilalin ang KOLATERAL bilang isa sa mga pinakamagaling na rap/hiphop album sa kasaysayan ng eksena.

Inilalatag na ng KOLATERAL ang batayan ng paglaban sa giyera kontra droga, pasismo at tiranya ng administrasyong Duterte: “Pasistang rehimen, buwagin!/Pababain ang mga nakaupong ulupong, patumbahin!/Ang sistema na bulok gigibain!/Sistema na bulok gigibain!”

Nasa mga tagapakinig na kung ano na ang susunod na dapat gawin.

Magno Loko

Nitong dulo ng Hulyo, ginamitan ng veto ni Pangulong Duterte ang panukalang batas laban sa endo, isa sa pinakamasahol na anyo ng kontraktwalisasyon. Sa totoo lang, malabnaw ang tinaguriang Security of Tenure Bill, hindi talaga tatapos sa kontraktwalisasyon. Pero sa pagbasura rito, tuluyang pinatay ni Duterte ang napakaliit nang posibilidad na tototohanin niya ang isa sa pinakamalaking pangako niya noong tumakbo siyang presidente.

Bilang tulak at suporta sa ginawa ni Duterte, naglabas ng dalawang komentaryo si Alex Magno, kolumista ng Philippine Star: ang “Rigid” at “1%.” Maaasahan na ito kay Magno, kilalang kadikit ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at itinalaga ng huli na maging direktor ng Development Bank of the Philippines o DBP. Todo-suporta si Arroyo kay Duterte ngayon, kaya todo-suporta rin syempre si Magno.

Pero hindi lang karaniwang tagasuporta ni Duterte si Magno. Isa siyang dating propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, dating maka-Kaliwang manunuring pampulitika, at ngayo’y isa sa pinakamasugid na taguyod ng kaisipang neoliberal sa bansa. Sa mga sulatin niya, makikita ang “ibubuga” ng kaisipang neoliberal – ang pinakamatatalas na pagtingin nito na, sa ganyang lagay, ay kasinungalingan pa rin at naglilingkod sa iilang mayaman at makapangyarihan sa lipunan.

Kung hahanapin sa dalawang kolum ang pinagmumulan ng mga batayang prinsipyong sinasabi ni Magno, masusumpungan ang isang pahayag tungkol sa kasaysayan: “Ang mga ekonomiya na may pinaka-kaunting pakikisangkot ng Estado sa ugnayan ng kapital at paggawa ang mas malamang (tend to) na magkaroon ng mas mababang disempleyo at mga ekonomiyang mas mahusay sa kumpetisyon (competitive).”

Marami nang tumuligsa at sumagot sa luma nang pagtinging ito. Isa sa nagbuod ng mga sagot ay si Ha-Joon Chang, ekonomistang South Korean. Naging konsultant siya ng World Bank, Asian Development Bank, European Investment Bank at mga ahensya ng United Nations. Sabi niya, “ang kapitalismo pa rin ang pinakamahusay na sistemang pang-ekonomiya na naimbento ng sangkatauhan” – pero kritikal siya sa todong pag-alagwa nito, na itinutulak ni Magno at ng kaisipang neoliberal.

Direkta si Chang sa pagkontra: “Maliban sa ilang eksepsyon, lahat ng mayayamang bansa ngayon, kasama ang Britanya at US – na umano’y mga tahanan ng malayang kalakalan at malayang pamilihan – ay naging maunlad sa pamamagitan ng mga kombinasyon ng proteksyunismo, subsidyo at iba pang patakaran na ipinapayo nila sa mga umuunlad na bansa na huwag ipatupad.” Dagdag pa niya, ginawa ang naturang mga hakbangin ng halos lahat ng mauunlad na bansa “para palakasin ang kanilang mga sanggol na industriya.”

Sabi rin ni Chang, hindi purong negatibo ang naging karanasan ng mga umuunlad na bansa sa “proteksyunismo at interbensyon ng Estado,” kalakhan noong dekada 1960-1970, taliwas sa laging sinasabi ng mga neoliberal. “Ang totoo, ang rekord nila ng paglagong pang-ekonomiya sa naturang panahon ay malayong mas mainam sa nakamit simula noong dekada 1980 sa ilalim ng mas malawakang pagbubukas at deregulasyon.”

Sa panahon naman ng pagpapatupad ng mga patakarang neoliberal simula noong dekada 1980, ani Chang, may mga bansang umunlad – ang China at India – pero hindi sa pamamagitan ng pagtangan sa naturang mga patakaran. Aniya, naging mahalaga ang papel ng Estado sa ekonomiya at pag-unlad ng dalawang bansa, kahit pa nagbukas sila sa pandaigdigang pamilihan.

Sa madaling salita, batay sa kasaysayan ng mga bansang mauunlad ngayon, mahalaga ang naging papel ng Estado sa ekonomiya. Maitatanong tuloy: saan nagmumula ang pahayag na historikal ni Magno? Kung hahanap sa kasaysayan ng mauunlad na bansa sa ika-20 at 21 siglo ng reyalidad na pinakamalapit sa langit ni Magno ng kawalan ng papel ng Estado sa ekonomiya, matutumbok ang isang panahon: dekada 1990 hanggang 2008.

Sa ika-20 siglo, tampok ang papel ng Estado sa ekonomiya ng mauunlad na bansa: World War I at II, rekonstruksyon matapos ang huli, at Cold War, na sabi ng ibang historyador ay isa ring digmaang pandaigdig. Nagawa lang ng mga Estado ng mga bansang ito, pangunahin ng US, na todong ideklarang wala itong papel sa ekonomiya nang bumagsak ang Unyong Sobyet noong 1991 at naiproklama ang tagumpay ng kapitalismo at “katapusan ng kasaysayan” noong dekada 1990. Kasagsagan ito ng neoliberalismo – na lubusang nakwestyon sa pagputok ng pandaigdigang krisis sa pinansya at ekonomiya noong 2008, kung saan muling tumampok ang papel ng Estado sa pagtugon ng krisis.

Ibig sabihin, sa buong kasaysayan ng dalawang siglo, at lalo na ng mauunlad na bansa, napakaliit na bahagi lang ang “yugto ng katotohanan” ng mga prinsipyong sinasabi ni Magno. Kumbaga sa tren, isang estasyon lang ang nakikita-ipinapakita niya; maliit na bahagi ng buong katotohanan, at sa gayo’y kasinungalingan. Sa maiksing bahagi ng kasaysayan na iyan humuhugot ng pinapalabas na mga unibersal na batas ng ekonomiya si Magno at maging ang mga neoliberal na ekonomista – taliwas sa ipinakita ng mas malawak na kasaysayan ng daigdig.

Pwede pa ring itanong: uunlad ba ang Pilipinas sa mga patakarang nagpapaatras ng papel ng Estado sa ekonomiya? Malinaw ang sagot ni Chang: “nagdulot ang mga patakaran ng malayang pamilihan ng mas mabagal na pag-unlad, lumalaking kawalang pagkakapantay-pantay, at mas maigting na kawalang istabilidad sa mas nakakaraming bansa. Sa maraming mayamang bansa, napagtakpan lang ang mga problemang ito ng matinding pagpapalawak ng pautang…”

At mas direkta: “Kaunting bansa ang naging mayaman sa pamamagitan ng mga patakaran ng malayang kalakalan at malayang pamilihan at kaunti lang ang uunlad sa pamamagitan ng mga ito.” Walang lulusutan: dahil sa maling paghalaw ng aral sa karanasan ng mauunlad na bansa, mali ang mayor na batayan ng mga itinutulak na patakaran ni Magno at mga neoliberal sa mga bansang tulad ng Pilipinas.

Sa puntong ito makukwestyon ang mga pinagmumukhang unibersal na batas sa ekonomiya-ekonomiks na sinasabi ni Magno: na ang sahod at tagal sa trabaho ay dapat pinagpapasyahan sa “mga pribadong negosasyon sa pagitan ng mga employer at kanilang mga ineempleyo” – ni hindi niya masabi agad na manggagawa. Na bukod sa kaso ng kababaihan, menor-de-edad, at human trafficking, ay “mga pwersa ng pamilihan” na ang dapat magdikta sa sahod at tagal sa trabaho – ni hindi niya nabanggit ang pagprotekta sa kalikasan.

Kung hindi totoo ang mga pahayag na ito sa kasaysayan maging ng mauunlad na bansa, ano ang silbi ng mga ito? Ayon sa mga manunuri, hindi naman talaga tinanganan ng US at malalaking kapitalistang bansa ang neoliberal na prinsipyo ng kaunting papel ng Estado sa ekonomiya; buong panahon, malaki ang papel ng Estado sa kanilang ekonomiya. Ipinataw lang nila ang kaisipang neoliberal sa mahihirap na bansa; tularan ang sinasabi, hindi ang ginagawa. Sa madaling sabi, ang mga ito’y ilusyon, panlinlang, na dapat habulin ng mahihirap na bansa sa loob ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

Sa pamamagitan ng ganitong mga prinsipyo naipapaloob ang mahihirap na bansa sa balangkas ng tinawag nang “race to the bottom” o “karera sa pinakamababa.” Dito, para maakit ang malalaking kapitalista na mamuhunan sa kanila, ang magagawa lang nila ay pababain ang sahod ng mga manggagawa – sa iba’t ibang paraan, kasama na ang kontraktwalisasyon. “Walang alternatiba,” sabi ni Margaret Thatcher sa pagtutulak ng mga patakarang neoliberal, at isinasadlak ang mahihirap na bansa sa ganitong masasahol na pagpipilian.

Ayon sa pilosopo at historyador na si Domenico Losurdo, “ang pundamental na ‘nilalaman’ ng ika-20 siglo ay ang tunggalian sa pagitan ng kolonyalismo at anti-kolonyalismo,” kung saan panandang-bato ang Rebolusyong Oktubre ng 1917 ng Rusya sa paglakas ng anti-kolonyalismo [“The New Colonial Counter-Revolution,” 2017]. Sa ganitong pagtingin, masasabi na ang neoliberalismo – sa pagdidikta sa mahihirap na bansa na isuko sa kamay ng pamilihan ang Estado na kanilang ipinaglabang mahawakan – ay bahagi ng nagpapatuloy na proyekto ng kolonyalismo.

Kaya nga si Magno, matapos sumatsat ng mga prinsipyong neoliberal, ay humantong din sa pagpili-pagpapapili sa dalawang masamang sitwasyon, gaya na rin ng sinasabi ng gobyerno: “Hindi hamak na mas mainam na magkaroon ng mas maraming manggagawang may trabaho kahit sa mas mababang mga antas ng sahod at hindi tiyak na tagal sa trabaho, kaysa magkaroon ng mas maraming manggagawa na walang trabaho.”

Sa madaling salita, bina-blackmail ang mga manggagawa para ipatanggap sa kanila ang kalagayan: kontraktwal o walang trabaho? Tiis o sisante? Panakot ni Magno, kung masusunod ang kahilingan ng mga unyon at kilusang manggagawa, magkakaroon ng “mataas na sahod para sa iilan at walang sahod para sa nakakarami.”

Kaugnay ng sahod at “malayang pamilihan,” sabi ni Chang, isang “mito” ang paniniwalang “kapag hinayaan lang ang pamilihan, mababayaran ang lahat nang wasto at patas [23 Things They Don’t Tell You About Capitalism, 2010].” Pero pansinin: ni hindi nagsasalita si Magno tungkol sa “wasto at patas” na pasahod, sa ngayon o kahit sa hinaharap. Takbo lang sa karera sa pinakamababa!

Para kay Magno, ang ultimong batayan para ipagpatuloy ang kontraktwalisasyon ay ang kakayahang magpasahod ng mga kapitalista. At sa agad pagsasabing hindi kakayanin ng mga kapitalista ang gawing regular ang mga kontraktwal, ang tinutukoy niya ay ang idinedeklarang kakayahang magpasahod ng mga kapitalista, ang idinedeklara nilang pondo para rito.

Ganyan ang kalakaran sa mga negosasyon sa Collective Bargaining Agreement o CBA sa pagitan ng mga kapitalista at ng kakaunting unyon sa bansa. Ang ginagawa ng mga unyon, inaaral ang financial statement ng mga kapitalista, para maigiit na kakayaning ibigay ang kanilang mga kahilingan. Ang laging inuurirat, ang tubo – bagay na ayaw ilahad at talakayin ni Magno. At ayaw ring mabawasan ng mga kapitalista kapag sinasabi nilang hindi kayang ibigay ang kahilingan ng mga manggagawa.

Pero ayon sa maraming saliksik sa bansa, maraming taon nang tumataas ang tubo ng malalaking kapitalista, gayundin ang produktibidad ng mga manggagawa, habang hindi nakakaagapay sa pagtaas ang sahod. Ibig sabihin, kayang ibigay ng mga kapitalista ang kahit kaunting ginhawa sa kalagayan ng mga manggagawa, pero hindi ibinibigay, dahil ayaw mabawasan nang kahit kaunti ang tubo.

Anu’t anuman, hindi pwedeng ang idinedeklarang kakayahang magpasahod lang ng mga kapitalista ang batayan ng sahod at katayuan sa empleyo ng manggagawa. Hindi pwedeng kwentahan lang, lalo na’t batay sa impormasyong bigay ng kapitalista. Ganito ang kalagayan sa mga naunang panahon ng kapitalismo – kaya kinailangang ipaglaban ang hindi pagpapatrabaho sa mga bata, mga karapatan ng kababaihang manggagawa, ang minimum na pasahod, proteksyon ng kalikasan, at iba pa.

Kailangan ding isaalang-alang at pahalagahan ang kabuhayan ng mga manggagawa at kanilang pamilya. Hindi ito kusang ituturing na konsiderasyon ng mga kapitalista, na siyang kinakatawan ni Magno.

Karamihan ng mga manggagawa sa bansa – kalakhan sa sektor ng serbisyo, ang iilan sa elektroniks at manupaktura, sa mga minahan at plantasyon – ang kulang na kulang ang sahod para sa mga batayang pangangailangan, baon sa utang, at walang impok para sa hinaharap.

Sabihin pa, hindi nila natatamasa ang mga karapatan na nakalagay sa Konstitusyong 1987: nakabubuhay na sahod, seguridad sa katayuan sa empleyo, makataong kalagayan sa trabaho, mag-unyon, kolektibong makipagtawaran, at magwelga pa nga.

Naidambana ang mga karapatang ito sa saligang batas dahil sa malaking papel ng kilusang manggagawa sa paglaban sa diktadurang US-Marcos na napatalsik noong 1986. Pero nanatili lang ang mga ito sa papel dahil sa pag-upo ng rehimeng Cory Aquino, ipinatupad ang mga mayor na patakarang neoliberal – tampok ang pagsasabatas ng Wage Rationalization Law sa sahod at Herrera Law sa kontraktwalisasyon, kapwa noong 1989. Kasabay ito ng panunupil sa mga unyon at kilusang manggagawa.

Ngayon, tatlong dekada pagkatapos, masama ang lagay ng mga manggagawa sa gitna ng malaganap na kontraktwalisasyon. Napakarami, kundi man mayorya, ng mga manggagawa ang kontraktwal – habang lumalaki ang tubo lalo na ng malalaking kapitalista. Kaya nga marami sa mga welgang nailunsad nitong mga nakaraang taon ang kaugnay nito, at patuloy pang dumarami ang gayong welga. Kaya nga malaking isyu ang kontraktwalisasyon, at oportunistang nangako si Duterte na ibabasura ito kapag naging pangulo.

Ito ang reyalidad na ayaw kilalanin ni Magno, at ito ang reyalidad na nilalabanan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng kanilang mga unyon at ng kilusang manggagawa. Gulung-gulo at nanggugulo si Magno sa paninira sa kilusang manggagawa: tinawag niyang “tunay na kontra-mahirap” ang mga unyon gayung ang mga sanhi ng kahirapan ng mga manggagawa at mamamayan ang nilalabanan ng mga ito.

Pinagtatawanan ni Magno ang liit ng bilang ng unyon at unyonisado ngayon sa buong bansa – isang porsyento ng mga manggagawa sa kwenta niya. Pero hindi dapat malito: naging kaunti ang mga unyon at unyonisado hindi dahil naging mabuti ang kalagayan ng mga manggagawa. Naging kaunti ito dahil sa mga patakarang mapanupil sa mga manggagawang nag-uunyon.

Kapag nag-uunyon, sibak. Kapag nakapag-unyon, panggigipit. Kapag nagwelga, dahas. Ang panrehiyon at pambansang pamunuan, sinusupil. Pinapanatili ng malalaking kapitalista at gobyerno ang mga mapanupil na patakarang ito dahil alam nila mismo na masama ang kalagayan ng mga manggagawa. Sa kabila ng panunupil, pero dahil sa masamang kalagayan, patuloy ang kagustuhan at pagsisikap ng mga manggagawa na mag-unyon.

Ang kakatwa, para kay Magno, bahagi ang “mga di-pleksibleng patakaran sa paggawa” sa mga dahilan ng pagiging mahirap o “Sick Man of Asia” ng Pilipinas – na para bang anti-kontraktwalisasyon ang mga batas sa bansa.

Ganito rin matitingnan ang pambungad niya tungkol sa gobyernong “sosyalista” ng France. Ang tinutukoy niya ay ang gobyerno ni Francois Mitterrand ng Socialist Party noong 1981-1995, na bagamat sosyalista sa pangalan ay sosyal-demokratiko sa aktwal.

Ang totoo, sabi ng isang maka-kaliwang tagamasid, “Matapos ang mga absurdong pagsasabansa sa unang yugto, winakasan ng rehimen ni Mitterrand ang sosyalismo sa pamamagitan ng pagyakap sa pamilihan at sa mga disipulo nito sa pinansya noong 1983…” [Perry Anderson, “Degringolade,” 2004]. Pero para kay Magno, sosyalismo ito – at dapat binaligtad nang todo ng maka-Kanang rehimen ni Nicolas Sarkozy ng 2007-2012.

Hindi katotohanan tungkol sa reyalidad ang ipinapakita ng mga pahayag dito ni Magno, kundi katotohanan tungkol sa kanya: na siya ay radikal na neoliberal, maka-kapitalista at kontra-manggagawa. Para sa kanya, laging malabis ang kahit bahagyang maka-manggagawang patakaran, at laging kulang ang mga patakarang mapagsamantala sa mga manggagawa. Sa pagiging sagad niyang maka-kapitalista, anumang hakbangin ng mga manggagawa na babawas sa tubo, kahit bahagya, ay ituturing niyang kontra-mahirap.

May isa pang pahayag tungkol sa kasaysayan si Magno: noong ikalawang hati ng dekada 1980, dahil raw sa mga “welgang bayan” sa pamumuno ng makabayan at progresibong sentrong unyong Kilusang Mayo Uno (KMU) at sa “padalus-dalos na mga welga at di-makatwirang mga kahilingan ng mga unyon, nawala ang ating buong industriya ng telang pang-eksport.” Mahigit isang milyong trabaho ang naglaho, at lumipat umano ang mga pabrika sa Vietnam, Indonesia at Bangladesh.

Mabigat na akusasyon ito, pero hindi sinusuportahan ng mga datos. Ayon kay Rene E. Ofreneo, iskolar ng paggawa at empleyo sa Pilipinas, malaki ang papel ng Multi-Fibre Arrangement o MFA sa paglaki at pagliit ng industriya ng telang pang-eksport sa bansa sa panahong ito.

Sa ilalim ng internasyunal na kasunduang ito na umiral noong 1974-1994, may kota ang telang pwedeng i-eksport ng mga umuunlad na bansa sa mauunlad na bansa. Sa ganito, pwersado ang mga kapitalista na hati-hatiin ang produksyon sa iba’t ibang bansa. Nang malapit nang matapos ang kasunduan, naging malaya na ang mga kapitalista na ikonsentra ang mga pabrika nila sa kung saan mas mura ang pasahod – kasama na ang China na humatak ng laksang pabrika [“Growth and Employment in De-industrializing Philippines,” 2015].

Katunayan, nawala rin ang industriyang ito sa Indonesia, Malaysia at Thailand sa parehong panahon, lalo na’t sumabay ang pagpasok sa World Trade Organization noong 1995. Hindi protesta ng mga manggagawa ang nababangit na salik sa ibang bansa: pagtaas ng gastos sa produksyon at pagkitid ng pamilihan ng paggawa sa Malaysia at Thailand, halimbawa [Rajah Rasiah at Rene E. Ofreneo, “Introduction: The Dynamics of Textile and Garment Manufacturing in Asia,” 2009.]

Sa madaling salita, hindi paglaban ng mga manggagawa, mga unyon o ang KMU ang dahilan sa pagkawala ng industriya ng telang pang-eksport sa Pilipinas. Mayroong mas mabibigat at malalaking dahilan: ang pagkaganid sa tubo ng mga dayuhang kapitalista na laging naghahanap ng murang pasahod. Na pinawalan naman ng mga neoliberal na patakaran sa pamumuhunan at kalakalan. Na parehong ipinagtatanggol ni Magno – sukdulang sisihin niya ang mga manggagawang biktima.

Tiyak, gayunman, na igigiit ni Magno na dapat lalong binarat ng gobyerno ang sahod ng mga manggagawang Pilipino sa panahong iyun – dapat nagpakahusay sa “karera sa pinakamababa.” Mas gugustuhin niyang habulin ng Pilipinas ang sahod sa Bangladesh kaysa itanong: bakit nga ba napwersang sumandig ang Pilipinas sa industriya ng telang pang-eksport na madaling dumating at madaling umalis ng bansa? Bakit walang nagsasariling pag-unlad ang bansa?

Dito na papasok ang sagot ng pambansa-demokratikong kilusan: dahil sa kawalan ng pang-ekonomiyang programang lilikha ng trabaho nang hindi nakaasa sa dayuhang pamumuhunan. Dahil sa hindi pagtindig ng bansa sa sariling dalawang paa – sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Para maipatupad iyan, kailangan ng masaklaw na pagsangkot ng Estado sa ekonomiya – pero tiyak na ang Estadong magpapatupad nito ay ibang-iba sa naghahari ngayon sa bansa.

Sa dulo, maraming maling kaisipan si Magno na lantad sa kanyang dalawang kolum na nagtatanggol kay Duterte sa pagbasura sa Security of Tenure Bill. Tampok ang mga sumusunod: (1) pagtanggi sa malaking papel ng Estado sa ekonomiya, taliwas sa karanasan ng mga bansang maunlad, (2) pagsandig sa idinedeklarang kakayahang magpasahod ng mga kapitalista pagdating sa pagtatakda ng sahod at tagal sa trabaho ng manggagawa, at pagbalewala sa kahirapan at mga karapatan ng mga manggagawa, at (3) pagsisi sa mga unyon, kilusang manggagawa at KMU para sa mga kalagayang idinulot ng malalaking kapitalista at gobyerno.

Nagsasalita si Magno na parang panahon pa ngayon ng 1991-2008, kasikatan ng kaisipang neoliberal sa ilalim ng Pax Americana o paghahari ng US sa mundo. Naiwan na ng kasaysayan ang panahong ito, at si Magno. Nagsasalita siya na parang hindi naganap ang pandaigdigang krisis sa pinansya at ekonomiya ng 2008 – na idinulot ng mga patakarang neoliberal at nagtulak ng pagsangkot ng Estado para maresolba. Nagsasalita siya na para bang hindi pa malinaw na pandaigdigang kapangyarihan na ang China at Russia – nagbukas sa pamilihan, oo, pero hindi lubusang tumangan sa kaisipang neoliberal.

Nagsasalita siya na para bang hindi itinuturing ng maraming komentarista ang kaisipang neoliberal na tulad ng zombie – nananatiling buhay kahit pinapatay na ng reyalidad. At para bang hindi ito sinusuportahan ngayon ng pasismo, ng paggamit sa masaklaw na kapangyarihang mapanupil ng mga Estado. Kahit ang pagsipsip niyang neoliberal sa pasistang si Duterte, hindi niya masuri nang matapat.

Kakatwa na nagsimula siya sa pagbanggit ng France, dahil baka naroon ang mga modelo at molde niya – ang mga “bagong pilosopo,” mga dating militanteng Maoista na naging tagasamba at mangangaral ng merkado at missile ng Amerika, lingkod ng malalaking kapitalista. Pareho sila: sa likod ng kumplikadong dunung-dunungan ay kalokohan, napansin panandalian pero tiyak na kakalimutan.

14 Agosto 2019
Salamat kay Guiller Luna sa pagpapadala ng ilan sa mga sanggunian.

Why Negros?

0

(This article was originally published in the January-March 2019 issue of the Karapatan Monitor at the heels of a spate of killings of farmers and rights defenders in Negros)

All over the
Philippines, 207 peasants have already been killed as of March 31
since the start of the Duterte administration – 50 of the killings
occurred in Negros. Three of the 15 peasant massacres nationwide
happened in the island, claiming 29 out of 31 precious farmers’
lives.

People have come to
ask, why kill the hands that feed the nation? But another resounding
question is why Negros?

In May 2015, the
Aquino administration declared the entire island to be governed as
one administrative region, called Negros Island Region (NIR). But
President Duterte issued an executive order dissolving the NIR in
August 2017. The new dispensation does not have the budget for a
combined region, Duterte reasoned. What it does have apparently are
the resources for increased military deployment in the island which
Duterte ordered through Memorandum Order (MO) 32 issued on November
23, 2018. Since then, a total of 220 additional troops of the
Philippine Army from Panay island have been dispersed to several
battalions in Negros island.

Negros is the
country’s sugar bowl. In 2017, the island accounted for 59% of the
country’s total sugarcane production and 48% of the total area
harvested. Of the 27 operational mills in the country, 12 are in
Negros, which produced 63% of the country’s total raw sugar in
2018. But life in the island is bitter – poverty incidence is
consistently higher than the national figure. In 2015, national
poverty incidence was 16.5% of families, while it was 38.7% in Negros
Oriental and 21.9% in Negros Occidental. Negros Oriental had the
second highest huger incidence of 19.5% of families, next to Northern
Samar, and is consistently among the eight poorest provinces.

The Duterte
government has recently come up with the latest 2018 first semester
poverty statistics using ridiculously low poverty lines, but it has
failed just the same to sugar-coat the acute poverty situation of
Negros.

The dimension of
Negros’ poverty is classic – a colonial legacy of relegating a
resource-rich island to produce a single crop for export. This has
entrenched what may be considered as the most obstinate landlordism
in the country as well as the longest running mono cropping – both
have caused chronic economic, ecological, and social hardship for the
Negrenses.

Almost half (42%) of
the island’s total agricultural land planted to sugarcane. Negros
Occidental alone has 62% of its agricultural area devoted solely to
sugarcane. Mono cropping is the worst farming system – where only
one crop is grown in a tiempo (season)
in a large parcel of land. It requires the loss of natural habitats
and intensive use of large amounts of water and agro-chemicals,
posing severe loss of soil nutrients and other environmental
pollution, and in the case of sugarcane, only to cater to the global
market. This is why there are tiempos muertos (dead
season) when the harvested land, parched and idle, awaits the next
export orders, the next cropping season.

Majority,
or 85% of the sugar farmers are small farmers cultivating five
hectares or less, which comprise three fourths of the farms in the
island. But in terms of area, 64% is covered by farms of sizes 10% to
above 50 hectares. In terms of ownership, only 14% of landowners own
61% of the sugarlands.

The
island accounts for 21% of
the land acquisition and distribution (LAD) balance of 602,306
hectares under the three-decades-old Comprehensive Agrarian Reform
Program (CARP). Negros has the second lowest distribution
accomplishment rate in the country, next
only to the Autonmous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Department
of Agrarian Reform (DAR) land inventory shows that certificate of
land ownership awards (CLOAs) both for individual and collective
agrarian reform beneficiaries (ARBs) cover 59% of the island’s
agricultural land. It doesn’t indicate, however, whether the ARBs
have indeed been installed. A Negros Occidental provincial government
survey showed in 2008 that 41% of the ARBs were no longer in
possession of their land, a figure that jumped to 70% by 2013.

What
is clear is that the government has introduced various schemes –
corporative, contract growing,
leaseback arrangements, stock distribution option (SDO), and block
farming – to consolidate the farms to 30-50 hectares and maintain
the ‘economy of scale’ for sugarcane production. These schemes
have effectively re-concentrated the land to the landlords and
dispossessed farmers not only of the resource but also of the
decision on what to produce. Eleven of the 13 SDOs are in Negros. As
of 2018, 21 of the 26 accredited block farms are in Negros.

Sugar
farmers and farm workers including mill workers are among the poorest
sections of the Philippine peasantry. Aside from having been
dispossessed of land, they receive the lowest wage rates and no
benefits while doing back-breaking and hazardous work. Their agrarian
struggles are intense, especially in the backdrop of massive
landlessness and tiempos muertos, which have culminated in direct
actions of land occupation and cultivation for their very survival –
called bungkalan by
the organized peasantry. Negros farmers have waged the most number of
bungkalan in the country. And for the government, the land-owning
elite, sugar barons, and the military – bungkalan and the Negros
farmers’ struggles are the source of conflict that need to be
decimated.

Students stage nationwide walkout against military, police presence

0
UP students walked out of their classes and gathered in front of Palma Hall to protest proposed campus militarization (Photo by A. Macaraeg / Bulatlat)

By JOHN AARON MARK MACARAEG
Bulatlat.com

MANILA – Students from different universities across the county staged a walkout, Aug. 20 with the call, “Duterte, AFP-PNP [Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police], No Entry!”

University of the Philippines (UP) in Luzon, Visayas and Mindanao participated in the National Day of Walkout and Action. In Diliman, students and faculty members gathered at the Palma Hall, locking the entrance to symbolize that state security forces are not welcome in the university.

The simultaneous protest actions were their answer to Senator Ronaldo “Bato” Dela Rosa’s insistence to allow state forces in schools purportedly “to offer parallel indoctrination to counter the indoctrination by the communists.”

DLSU students joined yesterday’s protest (Photo by A. Macaraeg / Bulatlat)
(Photo by A. Macaraeg / Bulatlat)

Student groups countered that the military presence of school threatens academic freedom and safety of the students. UP Student Regent John Isaac Punzalan likened campus militarization to martial law and urged the UP community to oppose police or military intrusion.

UP’s nationwide walkout was not only participated in by students but it was also supported by UP Chancellor Michael Tan and professors.

UP students stood firm that no one among them has been “brainwashed. ”

Rog Evangelio, a Philippine Studies student, said, “We have every right to express our dissent to the government especially to its military forces who are notorious for violating human rights.”

Evangelio cited the militarization in Lumad communities, closure of Lumad schools in Mindanao as well as the anti-drug operations that have resulted in the deaths of youth and children.

In a speech at Liwasang Bonifacio, Alicia Lucena, a member of Anakbayan, disputed dela Rosa’s claim that she was abducted by her colleagues. “Walang mali sa paglaban. May mali kaya tayo lumalaban,” Lucena said.

Students from other universities in Metro Manila later joined other progressive organizations in Mendiola and marched to Liwasang Bonifacio in Manila to condemn the killings and heightening repression under Duterte administration.

In UP Baguio, students formed a human barricade as a symbolic action to guard their campus from the threat of militarization.

Other campuses in Cebu, Los Baños, Manila, Mindanao, Visayas, Tacloban, and Pampanga also held their own protest actions. (http://bulatlat.com)

The post Students stage nationwide walkout against military, police presence appeared first on Bulatlat.

Rights defenders from Southern Tagalog file cases of rights abuses, decry state of ‘de facto’ martial law

0
One of the protesters during the recently-concluded National Day of Mourning and Protest (Photo by Carlo Manalansan / Bulatlat)

“No peace can come out of violence against innocent lives.”

By JUSTIN UMALI
Bulatlat.com

MANILA – A delegation of farmers, human rights defenders, and activists from the Southern Tagalog region participated in yesterday’s protest action in Manila to join the wider protest against human rights abuses and militarization of schools and communities.

“We can expect that these attacks will spread across other sectors, primarily the farmers and workers,” said Shirley Songlia, Defend Southern Tagalog spokesperson, adding that the incidents in Batangas, Rizal, and Laguna are manifestations of Duterte’s Oplan Kapanatagan.

Yesterday’s protest on Negros killings and the proposed deployment of state security forces in state universities and colleges culminated the two-day Southern Tagalog activists series of mobilizations in Metro Manila to condemn the recent spate of harassment and killings in their respective provinces.

“This is already apparent with the current evacuations in Quezon and the violent dispersals of NutriAsia and PEPMACO workers,” she added.

The delegation, led by human rights group Defend Southern Tagalog (Defend ST), filed three cases at the CHR offices: one concerning the seventeen NutriAsia workers still detained over spurious charges following their strike, one concerning the victims of harassment by AFP, PNP, and PDEA agents during an anti-drug saturation drive operation in Rizal, and one concerning death threats and red-tagging of human rights groups in Batangas.

Justice still elusive to Laguna workers

In Cabuyao, Laguna, striking NutriAsia workers are still calling on the local government and the police to release their fellow workers from jail, while also continuing their calls for regularization and wage increase.

A contingent of NutriAsia workers also filed a case before the CHR to help investigate the violent dispersal following their initial strike that led to the arrest of 17 NutriAsia workers on charges of arson, malicious mischief, alarm and scandal, and serious illegal detention.

According to reports, the NutriAsia strike was forcibly dispersed by a bulldozer, while police and armed guards pelted rocks and used water cannons at the striking workers. The workers insist that the strike is justified and lawful under the Labor Code, while their case is pending at the National Conciliation and Mediation Board.

During a strike, police and military must be stationed at least 50 meters away, as stipulated in DOLE’s Operational Guidelines 40-G-03.

Worsening drug war in Rizal

Meanwhile, residents from Rizal also came forward to file a case before the CHR regarding a recent implementation of President Duterte’s war against drugs in their community.

Last August 11, elements of the AFP, PNP, and agents from PDEA converged at Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro, Antipolo, Rizal to conduct a search operation for possible drug suspects.

Ernesto Llamera, a senior citizen and resident of Sitio Tanglaw, said, “They went house-to-house and interrogated us. They didn’t have any ID, or warrants, or any document. When we asked who was leading the operation, they didn’t answer.”

According to reports from Karapatan Timog Katagaulgan (Karapatan-TK), residents were forced to the covered court in Sitio Tanglaw to undergo mandatory drug testing.

A fact-finding mission sent by the human rights group was subsequently harassed and frustrated by Councillor Junie Elizaga, in one incident even pushing and threatening one of its members.

Karapatan-TK stressed that the August 11 incident was part of the administration’s Simultaneous Anti-Criminality Enhanced Operations between the police, military, and other government agencies, under the scope of Oplan Kapanatagan.

Death Squads in Batangas

Rights leaders and advocates in Batangas also filed a case, pertaining to the harassment and threats to their life and security.

Karapatan Batangas recently received information that rights workers and advocates were being tagged as communists by the 730th Combat Group of the Philippine Air Force. The names identified were Petty Serrano Enriquez, BUKAL spokesperson, Gigi Bautista, secretary of Samahan ng mga Magbubukid sa Batangas, and Gimo Hernandez, Kaisahan leader.

The group also received information that a “hit-list” was being circulated among alleged death squads in the province. Among the names in the list are Pastor Edwin Egar of the Batangas Ecumenical Movement, former Brgy. Captain Ronald Ramos, and Fidel Lopez.

Recently, Willy Capareno, Anakpawis coordinator, was warned by AFP elements operating in Brgy. Quipot, San Juan, to not return else face arrest.

“We vehemently condemn these acts of terrorizing and demonizing legitimate organizations,” Enriquez said in a statement. “We condemn these malicious and baseless accusations tagging us as NPAs and communists.”

“This labeling is a clear violation of our rights and freedoms.”

Currently, farmers from South Quezon are forced to leave their homes following intensified harassment and abuses by the 85th Infantry Battalion. Meanwhile, PEPMACO workers on strike were violently dispersed by police while they were scheduled to attend a hearing at the DOLE NCMB, resulting in the arrest of 18 PEPMACO workers.

“We can only call on everybody to stay vigilant and put an end to these attacks,” Songlia said. “No peace can come out of violence against innocent lives. We are now in a state of de facto Martial Law, and the only way to stop this is if we band together.” (https://www.bulatlat.com)

The post Rights defenders from Southern Tagalog file cases of rights abuses, decry state of ‘de facto’ martial law appeared first on Bulatlat.

Cagayan de Oro top officials personally lead in anti-dengue campaign

0

Donning protective suits, top local officials led the anti-dengue campaign in the City by conducting a fogging activity in one of the 10 villages with the highest number of dengue cases.

Karapatan assails possible release of convicted criminal Sanchez amid widespread illegal arrests of political prisoners

0
Rights group Karapatan vehemently condemns the possible release of convicted murderer and rapist Antonio Sanchez.